-- Advertisements --

Bilang tugon ng Department of Education (DepEd) sa sandamakdam na reklamo tungkol sa mga learning modules na kanilang ipinamahagi sa mga estudyante ay naisipan ng kagawaran na gumamit ng hashtag para mamonitor nila ang mga pagkakamali sa SLMs.

Hinikayat ng DepEd ang mga netizens na gamitin ang hashtag #depederrorwatch sa tuwing ipo-post sa social media ang mga makikita nilang pagkakamali sa mga learning materials na ginagamit sa online classes

Makakatulong ang naturang hashtag upang mas mabilis na makita ng DepEd ang hinaing ng publiko.

Maaari ring isend sa email ng DepEd ang mga reklamo (errorwatch@deped.gov.ph) o di kaya naman ay itext sila sa numerong 0961-680-5334.

Ayon kay Undersecretary Alain De Pascua, bukas ang ahensya na i-check ang mga pagkakamali na makikita ng publiko sa SLMs.

Kasama sa tinutukoy na learning materials ang DepEd TV, DepEd Commons at DepEd TV Youtube channel.

Layunin aniya ng hakbang na ito na kolejtahin ang mga pagkakamali na makikita sa iba’t ibang leaning materials at ipamahagi ito sa iba’t ibang opisina ng ahensya upang dumman sa validation at correction.

Sa ngayon ay isinasapinal na lamang ng Curriculum, Instruction at Administration Strands ang magiging sistema at proses upang maayos na tugunan ang mga pagkakamali.