-- Advertisements --

Minultahan ng NBA ng $100,000 si Philadelphia 76ers star James Harden.

Ito ay dahil sa pagbatikos niya sa Sixers president na si Daryl Morey.

Nagbunsod ang komento ni Harden matapos ang bigong pangako na siya ay mai-trade.

Tinawag pa ni Harden na sinungaling si Morey dahil sa hindi niya tinupad ang nasabing trade.

Nilinaw ng 10-time All-star player na nais nitong maglaro sa ibang koponan sa susunod na season.

Subalit pinagrereport pa siya ng koponan para makasama sa training camp sa susunod na buwan.