-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpatupad ng hard lockdown ang Iloilo City simula ngayong Agusto 3 hanggang 8.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang pagtaas ng health care utilization rate ang nagtulak sa kanya upang magpatupad ng hard lockdown.
Iniiwasan aniya nilang matulad ang Iloilo City sa Aklan at Cebu City kung saan nagkaroon na ng surge sa mga ospital.
Ayon sa alkalde, suspendido muna ang lahat ng mga inbound flight at sea travel at pagpasok ng mga returning residents maliban na lamang sa mga returning overseas Filipinos.