-- Advertisements --

Tinanghal na kampeon sa British Grand Prix si Formula One Champion Lewis Hamilton.

Nangyari ang pagkampeon nito matapos ang banggaan nila ni Max Verstappen sa opening lap ng karera.

Nabigyan ng time penalty pa si Hamilton hanggang ito ay makahabol at matiyak ang kaniyang ika-walong British GP.

Makailang beses na tinangka ni Hamilton na lusutan si Verstappen hanggang sa pagdating nsa Copse Corner ng sumayad ang kaliwang harapan na gulong nito sa likod na gulong ni Verstappen.

Nahinto ang karera at nakalamang si Leclerc ng Ferrari.

Matapos ang insidente ay dinala sa pagamutan si Verstappen hanggang bumuti na ang kaniyang kalusugan.