-- Advertisements --
Kabuuang P79.51 million ang halaga ng pekeng sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs (BoC)-Port of Batangas.
Ang pagsira sa mga sigarilyo ay isinagawa as Greenleaf 888 Waste Disposal sa Purok 1, Brgy. Mitla, Porac, Pampanga.
Dumating ang mga kontrabando sa Batangas mula China noong October 12 at idineklarang Laptop Bags.
Agad naamn itong natunugan kaya naglabas ng Warrant of Seizure and Detentions si Acting District Collector Atty. Ma. Rhea M. Gregorio dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.