-- Advertisements --

Aabot sa P6.8 million ang halaga ng shabu na narekober sa isang 18-anyos na lalaki sa Caloocan kagabi.

Ayon kay Police Col. Noel Flores, Caloocan police chief, nahuli ang suspek nang lagpasan niya ang checkpoint ng mga pulis sa Sta. Rita, Tala, North Caloocan.

Nang mahabol ang suspek ay dito na umano narekober ang shabu na nakatago sa lalagyan ng tsaa.

Pansamantalang nakakulong ang lalaki sa Caloocan Police Headquarters habang nag-iimbestiga ang mga awtoridad.