Halos P16Billion na halaga ng mga loan, ibinigay ng Pag-IBIG sa mga miembro ngayong taon-
Loops: Department of Human Settlements and Urban Development Sec. Jose Rizalino Acuza, Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, Pag-IBIG Fund
Nakapaglabas ang Pag-IBIG ng P15.82 Billion na cash loans sa unang buwan ng kasalukuyang taon.
Ito ay mas mataas ng limang porsyento mula sa naitala nitong nakalipas na taon sa kaparehong period, kung saan umabot lamang ito sa P15.10Billion.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Sec. at Pag-IBIG Fund Board of Trustee meber Jose Rizalino Acuza, Ang nasabing loan amount ay nakatulong sa 728,653 members na may financial needs.
Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, nangangahulugan itong maraming mga Pilipinong may kani-kaniyang financial needs ang natutulungan sa ilalim ng loan program ng ahensiya.
Kada taon aniya ay mahigit 2.5Million members ang may financial needs na kailangang matulungan ng pamahalaan.