-- Advertisements --

DAVAO CITY – Masayang ipinahayag ng10th Infantry Division ang matagumpay nitong pakikipaglaban sa insurhensiya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan naging insurgency free na ang halos lahat ng lugar sa Davao Region.

Sinabi ni 10th ID Commander Maj. Gen. Nolasco Mempin, na mula sa 15 Guerilla fronts at anim na Pulang Bagani Commands, naging mahina na rin ang mga natitirang Guerilla fronts at Regional Guerilla Unit.

Iginiit ni Mempin na malaki ang naging papel ng Executive Order 70 o ang Whole of Nation Approach on Ending Local Communism and Armed Conflict ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsumpo sa insurhensiya sa rehiyon.

Maliban pa dito, maraming serbisyo rin ang naiabot lalong lalo na sa mga malalayong barangay na noon ay naging kuta na rin ng mga armadong New People’s Army (NPA). .

Dahil dito, maraming miyembro ng mga armadong grupo ang sumuko at bumalik sa gobyerno upang magbagong buhay.

Samantala, aabot din sa 322 barangay sa rehiyon ang insurgency cleared kung saan naging malaya na ang mga residente laban sa mga ginagawa ng NPA mula noong inilunsad ang EO 70 ni Duterte noong 2018 hanggang ngayon.

Maliban dito, ipinahayag din ni PMaj. Eudisan Gultiano, tagapagsalita ng Police Regional Office XI, ang pasasalamat ng kapulisan sa rehiyon unse sa nasabing programa ng dating pangulo.