KORONADAL CITY- Umabot sa halos 800 mga pamilya mula sa dalawang barangay sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat ang apektado ng pananalasa ng flash flood kung saan 12) mga kabahayan din ang nasira.
Ayon kay Lutayan Municipal Disaster Risk Reduction Officer Al Ryan Limbo, ang nasabing mga barangay ang kinabibilangan ng Brgy. Tananzang at Brgy. Palavilla.
Dagdag pa ni Limbo tumagal ng higit tatlong oras ang naranasang pagbaha ng mga residente sa nasabing baranggay at agad naman umanong nakabalik sa kani-kanilang mga bahay ang karamihan sa mga naapektuhang pamilya maliban sa 12 pamilya na nanatili sa evacuation center dahil sa pagkawasak ng kanilang mga bahay.
Nagpapasalamat na lamang ang mga ito na walang naitalang nasugatan o namatay dahil sa nangyaring flash flood.
Agad din na namigay ng relief goods ang LGU-Lutayan sa mga apektadong pamilya.