-- Advertisements --

Papalo na sa kabuuang 139,454,246 doses ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naiturok sa buong bansa.

Kabuuang 64,838,213 Filipinos naman ang nakumpleto na ang kanilang primary doses at 11,291,687 ng mga ito ang nakatanggap ng booster shots laban sa naturang virus.

Base sa pinakahuling datos mula sa National Task Force (NTF) Against Covid-19, mahigipt 10 million sa ilalim ng lima hanggang labing isang taong gulang na bracket ang nakakuha na ng kanilang coronavirus shots.

Kinabibilangan ito ng 381,433 na mga bata ang fully vaccinated at mahigit 9.7 million sa 12 hanggang 17-anyos na age group ang nakakumpleto na ng dalawang primary series.

Inaasahan naman ng NTF ang pagtaas sa mga susunod na araw ng matuturukan matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac jabs sa mga minors.

Sa ngayon ay hindi pa nailalabas ang final guidelines mula sa Department of Health (DoH) at Health Technology Assessment Council sa paggamit ng Sinovac sa mga nasa pediatric age groups na anim na taong gulang hanggang 17 years old ayon sa NTF.

Una rito, sinabi ni NTF chief at vaccine czar, Secretary Carlito Galvez Jr., na kailangan pa ring himukin ang mga fully vaccinated na mag-avail ng COVID-19 booster shots.

Ito ay para magkaroon ng karagdagang layer ng protection laban sa virus.