-- Advertisements --
Nasa 370 na tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang sumailalim na rin sa swab sample collection sa Villamor Air Base, Pasay City
Pinangunahan ng limang medical personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkuha ng sample sa mga tauhan ng Air Force.
Layon nito na matukoy sa lalong madaling panahon kung positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga frontliners na tauhan ng PAF na pinaniniwalaang positibo sa virus.
Binigyan din ang Air Force personnel ng sampung slots kada araw para sa COVID test sa V. Luna Medical Center RT-PCR Molecular Laboratory.
Sumailalim din sa orientation ang anim na PAF hinggil sa bagong barcoding system na pinatutupad ng Philippine Red Cross (PRC).