-- Advertisements --
mga preso

Iiskortan ng jail officers ang halos 2,000 preso na boboto sa mismong mga presinto sa kani-kanilang mga barangay.

Ayon sa Department of the Interior and Local Governent (DILG) Kabilang ang mga ito sa kabuuang mahigit 31,000 person deprived of liberty na pinayagang makaboto para sa barangay at SK elections ngayong araw.

Habang ang 29, 133 naman dito ay boboto sa special polling precincts ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nakasaad sa Commission on Elections Resolution No. 9371 na ang mga preso na kwalipikadong bumoto sa lokal na halalan ay ang mga may pormal na kaso at nag-aantay pa sa pagdinig ng kanilang kaso habang nakakulong, ang mga isinisilbi ang kanilang sentensiya ng pagkakakulong ng mas mababa sa 1 taon o ang mga nahatulan sa kasong rebelyon o sedition.