-- Advertisements --
371530971 703726071799049 6883923247055419891 n

Inihayag ng NDRRMC na nakapagtala na ito ng kabuuang 196, 926 na katao na naapektuhan ng Bagyong Goring sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa kabuuan, 35,095 na indibidwal ang lumikas na at nananatili sa loob ng mga evacuation centers.

Ang gobyerno ay naglabas na rin ng humigit-kumulang P7.8 milyon na halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Walang naiulat na namatay o nasugatan dahil sa bagyo sa ngayon, ngunit sinabi ng NDRRMC na biniberipika nito ang ulat sa isang nawawalang indibidwal.

Dagdag dito, wala pa umanong ulat ang NDRRMC sa halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Goring.

Nagdulot na rin ang nasabing bagyo ng humigit-kumulang P41 milyon halaga ng pinsala sa imprastraktura habang patuloy itong nanalasa sa northern Luzon.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nangangalap ang iba’t-ibang ahensya ng mga impormasyon ukol sa kabuuang pinsala ng naturang bagyo sa buong bansa.