-- Advertisements --

Hindi pa naibabalik ang maayos na connection sa libu-libong mga kabahayan sa Mindanao, kasunod ng magnitude 7.8 na lindol, batay sa datus ng National Electrification Administration.

Batay sa report na inilabas ng ahensiya ngayong araw (June 9), gumugulong pa rin ang restoration effort para maibalik sa normal ang supply ng kuryente sa kabuuang 157,263 consumer connections.

Ang mga ito ay pawang malang electricity supply kasunod ng malakas na lindol.

Gayonpaman, naibalik na rin ang supply ng kuryente sa 34 mula sa 35 apektadong mga munisipalidad.

Ang mga ito ay mula sa Davao Region at Soccsksargen Region, dalawa sa pangunahing naapektuhang rehiyon.

Sa mga naturang lugar, tatlong electric cooperative ang nakakaranas pa rin ng partial power interruption.

Sa kasalukuyan, wala pang datus kung magkano ang halaga ng pinsalang iniwan ng lindol sa power sector habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa mga pasilidad. (Report by Bombo Genesis)