-- Advertisements --

Nakapagtala pa rin ng 14,833 na mga byahero sa iba’t-ibang panatalan sa buong bansa kahit ngayong Sabado de Gloria.

Sa naturang bilang, 8,706 ang outbound, habang 6,127 naman ang inbound passengers.

Kaugnay nito, ang PCG ay nag-deploy ng 2,370 personnel sa kanilang stations at substations nationwide.

Kung saan kanilang sinuri ang nasa 127 sea vessels at 130 motorbancas.

Inaasahan muli ang peak ng mga byahero sa unang bahagi ng susunod na linggo.