-- Advertisements --

Inilulat ng Civil Service Commission na nasa kabuuang 10,115 examinees ang pumasa sa Fire Officer Examination (FOE),1,574 naman sa Penology Officer Examination (POE), at 1,081 sa iba pa gaya ng Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE).

Ang nasabing examination ay isinagawa nationwide nuong October 23,2022.

Sa datos ng Civil Service Commission nakakuha ng 92.66 rating ay si Jayson Necida mula sa National Capital Region (NCR).

Binati naman ni Civil Service Chairperson Chairperson Karlo Nograles ang mga nakapasa sa nasabing mga exams.

Umaasa si Nograles na mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na makapaglingkod sa pamahalaan at magsilbi bilang bagong henerasyon ng mga lingkod bayan na maipagmamalaki sa loob at labas ng ating bansa.

Makikita sa CSC website ang kumpletong listahan ng mga nakapasa nuong October 23,2022 examination.

Ang mga nakapasa ay maaari nilang kunin ang kanilang Certification of Eligibility sa mga CSC Regional/Field Offices sa darating na January 4, 2023.