-- Advertisements --

Halos 1000 na mga myembro ng BPAT sa bayan ng Midsayap Cotabato nakatanggap ng pinansyal ng tulong

CENTRAL MINDANAO-Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Midsayap, Cotabato ang mga Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT sa bayan.

Abot sa 985 na BPAT sa 57 barangay sa bayan ang nakatanggap ng P1,000 bawat isa.

Ayon pa sa Municipal Treasurer’s Office, P2,000 ang matatanggap ng BPAT na tulong sa isang taon.

Sa naganap na programa kahapon sa Municipal Plaza, binigyang diin ni Mayor Romeo Araña na maipagpatuloy din ng susunod na administrasyon ang tulong pinansyal para sa mga BPAT at kung maaari ay madagdagan pa ito.

Labis namang nagpapasalamat ang mga BPAT sa bayan sa natanggap nitong tulong at patuloy na suporta ng pamahalaan sa kanilang hanay.