DAVAO CITY – Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan na iwasan ang pagsasagawa ng Halloween party o trick-or-treat.
Una nang sinabi ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na kahit mas maluwag na ang restrictions dahil Alert Level 3 at marami na ang nabakunahan, hindi pa rin dapat na mokumpiyansa lalo na at nananatili pa rin ngayon ang banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Hindi rin isinantabi ng mayor ang posibilidad na magiging super spreader ang parehong mga aktibidad.
Iniiwasan rin ngayon ng lungsod na tumaas ang bilang ng mga kaso sa COVID-19 sa siyudad.
Pinayuhan na lamang ng alkalde ang publiko na mas mabuting sa bahay na lamang magsagawa ng parehong aktibidad kasama ang pamilya at iwasan ang pagimbita ng ibang tao para maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.