Iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lumawak pa ang napinsala sa sektor ng agrikultura at imprastruktura dahil sa pananalasa ng mga bagyo at hanging habagat sa bansa.
Sa datos ng ahensiya, pumalo na sa kabuuang P551 million ang pinsala sa agri at iinfra.
Kung saan nasa P421.19 million ang naitalang halaga ng napinsala sa sektor ng agrikultura.
Bunsod nito, nasa mahigit 10,196 magsasaka at mangingisda ang kasalukuyang apektado ang kabuhayan.
Katumbas nito ang nasa kabuuang 18,470.25 ektarya ng crop areas ang naapektuhan.
Samantala, iniulat din ng ahensiya na nasa P130,251,200 na ang inisyal na halaga ng pinsala sa sektor ng imprastuktura na naitala mula sa Region2, MIMAROPA, Region 6 at CAR.
Mayroon ding kabuuang 502 napinsalang mga kabahayan sa Region 1, 2, Calabarzon, Mimaropa, Region 6 at CAR.
Isinailalim na rin sa state of calamity ang dalawa pang bayan dahil sa mga bagyo kabilang ang bacolod city.