-- Advertisements --

NAGA CITY – Aabot sa humigit-kumulang P300 million ang inisyal na danyos sa agrikultura sa lalawigan ng Quezon dahil kay Bagyong Quinta.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Melchor Avenilla, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Quezon, sinabi nito na ito ay sa bahagi ng agricultural sector gaya ng palay, mais, mga gulay, prutas, niyog maging sa fisheries.

Dagdag din nito na isa ang bayan ng San Andres sa pinakamalaking napinsala ng naturang bagyo.

Nabatid din na ang naturang bayan ay isang agricultural sector kung saan ito ang pinakamalaking pinagkakakitaan ng lalawigan.

Samantala, mayroon pa rin umanong mga bahagi ng probinsiya ang nananatiling lubog sa baha kaya ilang porsyento pa rin ng populasyon ang nasa mga evacuation centers at hindi pa rin pinapayagang makauwi.

Sa kabila nito, siniguro naman ng PDRRMO head na passable o madadaanan ang national road sa kanilang lalawigan.