-- Advertisements --
Hindi nakapasok ang pambato ng Pilipinas na si Gwendolyne Fourniol sa Top 40 ng Miss World 2024 na ginanap sa Mumbai, India nitong Sabado ng gabi.
Si Fourniol ay isang French-Filipina mula sa lalawigan ng Negros Occidental na nagwagi sa Miss World Philippines sa ikalawa niyang pagsali rito.
Sa kabila nito, hindi naman nawala sa ranking ng fast-track events si Fourniol. Nakapasok siya sa mga sumusunod na fast-track events:
-Top 20, top model competition
-Top 23, talent competition
-Top 25, head to head challenge (public speaking)
-Top 32, sports challenge
Dahil dito, nananatiling si Megan Young pa rin ang natatanging Filipina na umuwi ng korona ng Miss World taong 2013.