BAGUIO CITY– Humaharap ngayon sa kasong rape ang isang guwardiya matapos ang hinihinalang panggagahasa sa isang menor de edad sa Dontogan, Baguio City.
Nakilala ang guwardiyang si Noel Gidoc, nasa legal na edad at residente ng Dontogan, Baguio City.
Batay sa report ng pulisya, nagtungo umano ang babaeng menor de edad sa bahay ng suspek para makipaglaro sa anak nito.
Ngunit nang dumating ang suspek sa bahay nito a inanyayahan umano niya ang bata sa kanyang kuwarto at dito isinagawa ang panggagahasa.
Nalaman pa sa imbestigasyon ng pulisya na dalawang beses umanong ginahasa ng suspek ang biktima, partikular noong Oktubre 5 at noong Oktubre 12.
Batay rin sa medical examination ng biktima, may tanda ng panghahalay ang napuna sa bata.
Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso hinggil sa nasabing insidente.