-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang guro matapos umanong tumalon sa mula sa rooftop ng kanilang paaralan sa Abejuela-Corrales Sts, Cagayan de Oro.

Kinilala ang biktima na si Ian Oreg, 35-anyos, residente ng Scions, Kauswagan, Cagayan de Oro, at guro sa Asia Business Cooperative Academy.

Sinabi ni Police Senior Master Sergeant Robin Galleor, imbestigador ng DVSoria Police Station, bago pa man ang insidente ay napansin na raw ng mga katrabaho ng biktima na kakaiba ang kinikilos nito.

Nakita na lamang ang biktima na wala nang buhay sa pinagbagsakan nito kasunod nang pagkakatalon nito sa 50 talampakan na gusali.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente.