-- Advertisements --

NAGA CITY- Mariing kinokondena ng CONDOR PISTON- Bicol ang bagong guidelines ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at

Department of Transportation (DOTr) hinggil sa pagkuha ng special permit to operate sa gitna ng General Community Quarantine.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ramon Rescovilla, Secretary General ng CONDOR-PISTON Bicol, sinabi nito na lumalabas na patungo sa modernisasyon ang naturang guidelines.

Dagdag pa nito, tila sinasamantala umano ng LTFRB at DOTr ang nararanasang COVID-19 crisis upang mawalis na ang mga jeep at maisulong na ang matagal na nilang ninanais na modernisasyon.

Ayon pa dito, malinaw aniya na panggigipit ito sa bahagi ng sektor ng transportasyon.

Sa ngayon, panawagan na lamang nito ang konsiderasyon mula sa pamahalaan dahil hindi pa umano ito ang tamang panahon para dito.