-- Advertisements --

Naninindigan si outgoing Department of Justice Secretary Menardo Guevarra sa posisyon ng ahensiya kaugnay sa alegasyon na ibinabato laban sa anti-insurgency task force na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) hingil sa isyu ng red-tagging o pag-uugay sa mga progresibong grupoat ilang personalidad sa mga komunistang grupo.

Giit ni Guevarra na dapat na maghain ng legal action at huwag label lamang kung mayroong ebidensiya na magpapatunay na sila nga ay lumabag sa umiiral na batas.

Subalit kung wlaa naman aniyang ebidensiya para suportahan para sa naturang alegasyon na sila nga ay fronts ng communist terrorist groups ay huwag na lamang magsalita dahil inilalagay lamang nito sa panganib ang buhay ng isang tao.

Una rito, ilang mga progresibong mga grupo at aktibista ang inakusahang ng NTF-ELCAC na umano’y may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines, New Peoples’ Army and the National Democratic Front ng walang basehan.

Pinabulaanan naman ni NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy na walang red-tagging habang ang vice chair ng ahensiya at National Security Adviser Hermogenes Esperon ay kiniclaim na imbento lamang ng CPP-NPA ang terminong re4d -tagging bilang kanilang creative defensive tactic