Ikinatuwa ni dating Comelec Commissioner at incoming P3PWD Partylist Rep. Rowena Guanzon ang ginawang pagkamay at pagbati sa kaniya ni incoming Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.
Nakatagpo ang dalawa sa caucus ng partylist coalition sa Makati ngayong araw para i-endorso si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang susunod na House Speaker.
Bilang pagpakita ng respeto at paggalang, lumapit sa kaniya ang presidential son at nakipagkamay.
Pinuri naman ni Guanzon ang ginawa ni Sandro at sinabi nito na nagpapakita at nagpapatunay lamang ito na kapwa sila nanggaling sa “good and well educated” na pamilya.
Kailangan umano na mangingibaw ang kanilang interest para sa kaayusan ng bansa.
Magugunitang si Guanzon ay kilalang kritiko ni incoming president Bongbong Marcos.