-- Advertisements --

Handa si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na maghain ng impeachment complain laban sa kasamahan niya sa poll body na si Commissioner Aimee Ferolino.

Sa isang panayam, sinabi ni Guanzon na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang pagde-delay sa desisyon hinggil sa consolidated disqualification case laban sa presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hindi rin aniya dapat siya pinagbabantaan ng kasong libel, pero kung ituloy man daw ito laban sa kanya ay handa siyang harapin ito saan mang sulok ng bansa.

Samantala, sinabi naman ni Guanzon na kaya niya inilabas ang kanyang separate opinion sa consolidated disqualification case laban kay Marcos dahil lubos siyang naniniwala na may conspiracy na sa pagitan nina Ferolino at ilang mga tao upan ma-delay ang kanyang boto para hindi na ito masama sa bilangan.

Sinabi rin niyang hinamon niya si Ferolino na ilabas na ang resolution ng kaso kung totoong hindi siya naimpluwensyahan ng sinuman.

Patutsada pa ni Guanzon na kulang daw ang karanasan ni Ferolino bilang practicing lawyer pero isang senador aniya ang nag-nomina at sumuporta sa kanya.

“That’s already on record that she will not act like this if it’s not that Senator who will order her because they’re very close since they were both in Davao,” buwelta ni Guanzon.