-- Advertisements --
OFW lane aiport

Tinuligsa ng grupo ng migranteng manggagawa ang panawagan ng isang Senador na tanggihan ang mga overseas Filipino worker na nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa droga.

Tinawag ng migrant worker’s coalition na Migrante ang panawagan ni Senator Raffy Tulfo na kamangmangan sa mga kondisyong maaaring nagdala sa kanila sa ganoong sitwasyon.

Batay sa UN Office on Drugs and Crime, ang mga biktima ng human trafficking ay kadalasang ginagamit sa transportasyon ng mga droga sa mga international borders. Marami din aniyang naloloko o napipilitang dalhin ang mga droga.

Inihayag naman ni Migrante International Chairperson Joanna Concepcion, biktima rin ng kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa ang mga OFWs na nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga sa ibayong dagat.

Giit din nito na hindi sila ang dapat na ikinahihiya kundi ang gobyerno.

Una rito, sa isang sesyon sa Senado sa migrat workers, inihayag ni Senator Tulfo ang kaniyang galit sa pagtulong ng pamahalaan sa mga OFW na inakusahan ng trafficking ng iligal na droga sa ibang bansa.

Nagreklamo din ang mambabatas at kinuwestyon ang pamahalaan sa pagpapadala ng mga special envoy para maresolba ang kanilang mga kaso.

Ayon pa sa Senador na hindi dapat pinag-aaksayahan ng pera ng bansa ang mga OFWs na nagdadala ng droga dahil kahihiyan lamang ang mga ito.

Una ng nagpaliwanag si Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega na kanilang binibigyan ng legal assistance ang mga migrants at OFWs lalo na ang mga nasa ilang bansa na napatawan ng death penalties sa kanilang drug related violations.

Nag-ugat ito matapos gisain ng mga Senador ang Department of Foreign Affairs nang walang naabswelto na OFWs na mayroong criminal charges noong first half ng 2022.