Ipinaliwanag ngayon ng grupong Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) ang kanilang kahilingan kasama ang iba pang grupo ng mga operator na madagdagan pa ng dalawang piso ang dagdag-pamasahe sa mga jeep.
Sa isang pahayag ay sinabi ng presidente ng grupong LTOP na si Orlando Marquez na dahil sa masyadong mataas na presyo ng produktong petrolyo sa panahon ngayon.
Malaking tulong aniya ang dalawang pisong dagdag sa pamasahe sa mga jeepney drivers lalo na ngayong nagsisimula nanaman ang malakihang umento sa mga produkton petrolyo sa bansa.
Kung sila aniya ang tatanungin ukol dito, kung hindi raw kasi magpapatupad ng fare hike ay baka umalis nanaman sa pagmamaneho ang mga tsuper nang dahil sa pagkalugi bagay na kanila naman aniyang iniiwasan.
Binanggit din naman ni Marquez na handa silang makipag-usap sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol dito upang maisaayos aniya ito at maipatupad ng walang gusot.