-- Advertisements --
Nais ng Management Association of the Philippines (MAP) na magdeklara ng state of Calamity ang gobyerno dahil sa tumitinding kalagayan ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon sa grupo na hindi bababa sa P3.5 bilyon ang lugi sa ekonomiya kada araw dahil sa matinding trapiko.
Maaring mag-avail si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng emergency powers para magbigay ng karampatang solusyon sa problema.
Una ng iminungkahi ng grupo ang pagkakaroon ng traffic czar para matugunan ang matinding trapiko sa Metro Manila.










