-- Advertisements --
Nanawagan sa gobyerno ang grupo ng mga nagbebenta ng paputok sa bansa na imbest na tuluyang pagbawalan ang mga bentahan ng paputok ay paigtingin na lamang ang paglaban sa mga iligal na bentahan ng paputok.
Sinabi ni Philippine Fireworks Association (PFA) President Jovenson Ong, na ang mga iligal na bentahan ng paputok ang sumisira sa kanilang industriya.
Pagtitiyak niya na mayroong sapat na lisensiya at may karampatang dokumento ang kanilang mga ibinebentang paputok.
Magugunitang iminungkahi ng ilang mga mambabatas ang tuluyan ng pagbabawal ng paputok dahil sa pagtaas ng bilang ng mga napuputukan sa bansa.