-- Advertisements --

Ngayong sinasabi ng pamahalaan na malapit nang dumating ng Pilipinas ang bakuna kontra COVID-19, umaapela ang national fishers’ group na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) na gawing libre at malawakan ang bakuna kontra coronavirus.

Ayon kay Fernando Hicap, national chairperson ng PAMALAKAYA, responsibilidad ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang karamihan sa populasyon para makabangon na rin ang mga apektadong manggagawa sa ilang buwan nang pandemya.

Kasabay nito ay binatikos ng PAMALAKAYA ang Duterte administration dahil sa hindi pagkakaroon nang komprehensibong vaccine plan.

Pinuna ng grupo ang P2.5 billion allocation ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccine sa ilalim ng inaprubahang 2021 national budget.

Ito ay 2.7 percent lamang kasi aniya ng kabuuang P72 billion na required budget para mabakunahan ng libre ang 60% ng populasyon.