-- Advertisements --
image 327

Nagsagawa ng protesta ang mga miyembro ng PAMALAKAYA at ilang environmental groups sa harap ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) headquarters sa Quezon City.

Ito ay upang ipahayag ang kanilang pagkabahala sa mga isinasagawang reclamation projects sa Manila Bay.

Hinimok ng grupo ang environmental agency na agad na bawiin ang mga environmental permit na inisyu sa ilang reclamation at dredging activities sa Manila Bay.

Dagdag dito, nanindigan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mayroong 22 reclamation projects sa Manila Bay.

Nauna nang inihayag ng DENR na lahat ng 22 reclamation projects sa Manila Bay ay sinuspinde habang nakabinbin ang pagsusuri sa mga ito matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Top