-- Advertisements --
fishermen

Hinimok ng grupo ng mga na Pambansang lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tanggalin ang liberalization policies na nagpapahintuloy ng importasyon ng agri-fisheries products.

Ayon kay Pamalakaya Chairperson Fernando Hicap, nagbibigay ng standing order ang mga mangingisda sa bagong kalihim ng DA para palakasin pa ang lokal na produksiyon ng pagkain sa pamamagitan ng pagtanggal sa liberalization policies ng importasyon ng agricultural at fisheries products.

Aniya, mula 2018 hanggang 2022, nakapagmonitor ng mahigit 200,000 metrikong tonelada ng iba’t ibang pelagic fishes ang inangkat mula sa ibang bansa gaya ng China at Taiwan.

Ito ay insulto umano sa bansa hindi lamang bilang isang archipelagong bansa subalit sa milyun-milyon ding mga Pilipinong nasa sektor ng pangingisda.

Sinabi din ng grupo na dapat alamin ng kalihim na ang pagbubukas ng floodgates para sa mga inaangkat na mga produktong isda na nagdudulot ng matinding epekto sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.

Dagdag pa ng grupo na ang mura at mababang kalidad ng inangkat na isda ay magdudulot ng pagbaba ng presyo ng local fishery products.

Inihalimbawa pa ng grupo ang sa tuwing pinapayagan ng gobyerno ng PH ang importasyon ng libu-libong metrikong tonelada ng galunggong, ang halaga ng farm gate ng nasabing produkto ay bumababa mula sa P70 hanggang P80 kada kilo hanggang P50 hanggang P60 kasa kilo.

Una rito, ang bagong kalihim ng DA ay isang kilalang fishing tycoon na presidente ng Frabelle Fishing Corporation, isang deep sea fishing company simula pa noong 1985.