Muling nananawagan sa pamahalaan ang progresibong grupo ng mga magsasaka kasabay ng pagsasagawa nila ng rally sa Mendiola, Manila.
Ang naturang grupo ay binubuo ng 500 mga rallyista na kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda, at agricultural workers.
Panawagan ng mga magsasaka ang sapat at akmang suporta sa mga magsasaka sa buong bansa, pagpapababa sa presyo ng mga produkto, at mataas na pasahod para sa mga agricultural workers.
Nanawagan din ang mga ito ng pagpapalakas sa produksyon ng pagkain sa buong bansa, at tigilan ang labis na importasyon.
Kabilang sa mga grupo na sumali dito ay ang Anakpawis, Health Alliance for Democracy, Migrante, Gabriela, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Tanggol Magsasaka, Pamalakaya, atbp.
Ang naturang protesta ay kasabay ng selebtrasyon ng Peasant Month, ang taunang pagbibigay-pugay sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang agricultural workers sa bansa.