Ibinida ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ang mga policy reform na itinataguyod nito para maiangat ang industriya ng pagsasaka at pangingisda sa bansa.
PCAF Executive Director Nestor Domenden, maraming mga reporma at programa ang nagawa sa ilalim ng nasabing konseho, katulad ng pagbuo ng mga commodity industry roadmap, na siyang magsisilbing blueprint ng dalawang industriya upang lalo pang umangat.
Maliban dito, malaki rin ang ginampanang papel ng nasabing konseho sa pagbibigay ng mga inputs upang lalo pang mapagbuti ang mga nilalamang probisyon ng mga batas katulad ng Agricultural and Fisheries Mechanization o AFMech Law, TRAIN Law, Coconut Levy, at Rice Tariffication Law.
Sa kasalukuyan ay isinusulong ng nasabing konseho ang Rice Industry Roadmap na may layuning maabot ang rice self-sufficiency sa bansa, sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ang Philippine Council for Agriculture and Fisheries ay ang nagsisilbing policy-making arm ng Department of Agriculture na nakatutok sa pagbibigay ng boses sa mga agri-fishery stakeholder para mapalawak ang kanilang partisipasyon sa pagbuo ng mga programa na makabubuti sa sektor.