-- Advertisements --
image 492

Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumaba ang gross international reserves ng bansa noong buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.

Base sa data mula sa central bank, bumaba sa $98.2 billion ang gross international reserves level noong nakaliaps na buwan kumpara sa $100.7 billion noong Enero.

Ipinaliwanag ng BSP na ang buwanang pagbaba ng reserbang dolyar ay bunsod ng Net Foreign Currency Withdrawals ng pamahalaan sa mga deposito nito para ipambayad sa mga utang at magamit sa iba’t ibang gastusin.

Kabilang sa reserve assets ng Central bank ay ang foreign investments, ginto, foreign exchange, reserve position sa International Monetary Fund at special drawing rights.