Nasilat ng Memphis Grizzlies ang Oklahoma City Thunder, 121-92, para itala ang kanilang first win mula ng magsimula ang NBA bubble.
Bago ito, apat na beses nang lumasap nang pagkatalo ang Grizzlies ngayong restart ng mga games.
Pero sa pagkakataong ito nagsama ng pwersa sina Dillon Brooks na may 22 points at Jonas Valanciunas na may 19 points at 11 rebounds para sa Grizzlies.
Kung ano ang bangis ng Thunder nitong nakalipas na Huwebes na tumalo sa Lakers, mistula namang nabahag na ang buntot.
Nawala tuloy ang tiyansa ng Oklahoma na maka-tie ang Rockets para sa 4th place sa West.
Si Chris Paul ay umiskor ng 17 points para tulungan na makalamang sila ng 18 points sa first half.
Pero pagkatapos nito uminit na ang Grizzlies (33-37) at nahabol na ang OKC (42-26).
















