Minultahan ng $25,000 o katumbas ng P1.4 million ang head coach ng Memphis Grizzlies na si Taylor Jenkins.
Ito ay kasunod ng kanyang ginawang pagpuna, matapos matalo ang kanyang koponan laban sa Utah Jazz noong araw ng Sabado.
Sa naturang laban ay nagawaran kasi ang Jazz ng 29 foul shots habang 13 lamang ang nakuha ng memphis. Nanalo ang Jazz sa naturang laban na tuluyang nagtapos sa 127 – 121.
Pero bago nagtapos ang laban, na-eject ang sentro ng Memphis na si Jaren Jackson Jr. matapos siyang gawaran ng dalawang technical. Maliban kay Jackson Jr, binigyan din si Head Coach Jenkins ng isang tech.
Dahil dito, hindi naiwasan ng Memphis head coach na magmura at punahin ang naturang laban bilang ‘poorly officiated’
Gumanti naman ang NBA management at tuluyang minultahan ang Grizzlies head coach ng $25,000.
Sa kasalukuyan, dalawa pa lamang ang naipapanalong laban ng Grizzlies habang walong beses na itong natalo