-- Advertisements --
Kinumpirma ng Israel na mayroong 10 katao na ang nasawi habang mahigit 200 iba pa ang sugatan mula nang simulan ang military operations sa Iran.
Sa isang statement, iniulat ng Magen David Adom (MDA) ng Israel na mula nang simulan ang Operation Roaring lion, nasa kabuuang 238 casualties na ang naitala at nabigyan ng medical treatment at inilikas patungo sa mga pagamutan.
Sa naturang bilang, 10 ang binawian ng buhay, 2 ang seryosong nasugatan, 5 ang bahagyang nasugatan habang 221 ang mildly injured, kung saan 175 dito ay nasugatan habang lumilikas patungo sa bomb shelter.
Nasa siyam sa mga nasawi ay naiulat na mula sa city ng Beit Shemesh, kung nasaan ang residential building na tinamaan ng missile.
















