-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Grammy award-winning singer na si Billie Eilish na kaniyang binura ang lahat ng kaniyang social media apps.

Sinabi nto na nagkaroon ng hindi maganda na ang dulot ng internet sa kaniyang buhay.

Dagdag pa ng 21-anyos na singer na hindi siya nag-aabala na tingnan pa ang kaniyang social media dahil nabura na ito sa kaniyang telepono.

Malaking bagay niya ang nasabing hakbang dahil sa lumaki siya sa panahon ng talamak ang paggamit ng internet at social media.

Giit nito na hindi niya gusto na tuwing gagamit siya ng internet ay lagi niya nakikita ang kaniyang sarili.