-- Advertisements --

Sinuspinde na ng Malacañang ang trabaho sa lahat ng tanggapan sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila simula alas 12 ngayong tanghali.

Batay ito sa Memorandum Circular 73 na inilabas ni Executive Sec. Salvador Medialdea alinsunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Gayunman, ang mga ahensyang sangkot sa pamamahagi ng basic and health services, pagresponde sa mga kalamidad at may sensitibong tungkulin ay mananatili sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyo.

Ang pagsuspinde sa mga trabaho sa mga pribadong kompanya ay diskresyon na ng mga kaukulang management.

Sa ngayon, tuloy pa naman daw ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw partikular mamayang gabi sa Malacañang.