-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa isang Roads and Traffic Administration (RTA) enforcer na nahuli sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Kiosko Divisoria, Brgy 5 nitong lungsod.
Nasa kasagsagan ng kanyang duty ang RTA enforcer na si Bryant Gonzales, 33-anyos, binata na residente ng Brgy Nazareth, nang mahuli ito sa aktong nagbebenta ng droga sa nabanggit na lugar.
Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 na marked money.
Napag-alaman na kabilang ang nahuling RTA enforcer sa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC drug watchlist.