-- Advertisements --
Nanawagan si Cavite Governor Jonvic Remulla sa actor na si Robin Padilla na huwag sayangin ang oras ng mga Filipino sa mga usapin na hindi nakakatulong ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
Kasunod ito sa naging hindi pag-sang-ayon ng actor sa sulat ni Remulla kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat mabigyan din ng ayuda ang mga nasa middle class.
Nanawagan na lamang ito sa actor na magtulungan na lamang sila para tuluyang masawata ang coronavirus.
Magugunitang laman ng sulat ni Remulla na dapat mabigyan din ng ayuda ang mga middle-class earners at hindi lamang mga tinaguriang “poorest of the poor”.