-- Advertisements --
CEBU CITY-Ipinagmamalaki ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na ngayong taon, nagkakaisa ang Cebu City at Cebu Provincial Gov’t sa pagdiriwang ng Sinulog Festival 2020 ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Gov. Gwendolyn Garcia, inilarawan nito bilang “special charm” ang pagsayaw nila ng Siloy Festival Dancers.
Ang performance aniya nila na ito ay “dance for hope” lalo na at nagkakaisa sila ni Cebu City Mayor Edgardo Labella.
Excited aniya sila rito dahil ito ang unang pagkakataon na nag-perform silang lahat para sa Sinulog Festival.
Samantala, inaabangan na rin ng mga taga-Cebu ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte.