-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Governor Rodito Albano ng Isabela na tumanggap siya ng magkaibang brand ng bakuna kontra sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Albano na ang kanyang unang dose na COVID vaccine ay AstraZeneca habang ang ikalawang dose ay Pfizer.

Aniya, nagprisinta siya sa Department of Health (DOH) na gamitin siya sa pag-aaral sa efficacy ng magkaibang COVID-19 vaccine sa katawan ng isang tao.

Ito ay dahil may mga pag-aaral sa ibang bansa na maganda ang epekto ng magkaibang bakuna.

Bukod dito ay gusto rin niyang ipakita sa mga tao na huwag matakot sa bakuna kontra COVID-19.

Umaasa si Gov. Albano walang negatibong epekto sa kanya ng magkaibang brand ng bakuna.