-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actress na si Olivia de Havilland sa edad 104.

Ayon sa kampo nito, natural cause ang sanhi ng kamatayan nito sa kaniyang bahay sa Paris.

Sumikat ang actress a pagbida niya sa pelikulang “Gone With the Wind” noong 1939.

Isang naturalized American si De Havilland na isinilang sa Japan.

Nanirahan ito sa Paris mula 1953 at bumalik Hollywood noong 2003 para maging bahagi ng 75th Academy Awards show.

Nagsimula ang movie career nito ng lumipat sila at nanirahan sa California kung saan naging bahagi siya sa pelikulang “A Midssummer Night’s Dream” noong 1935.

May anak itong lalaki na si Benjamin sa unang asawang si Goodrich at babae naman na si Giselle sa ikalawang asawa na si journalist Pierre Galante.