-- Advertisements --
image 490

Nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas para sa conducive environment para sa negosasyon sa code of conduct sa pinagtatalunang karagatan.

Sa ikatlong round ng negosasyon sa COC na ginanap sa Maynila ngayong linggo, nanindigan ang Pilipinas sa panawagan nito para sa epektibo at makabuluhang code of conduct.

Dito ipinaabot din ng pamahalaan ang concerns nito kaugnay sa mga isyu kamakailan sa West Philippine Sea.

Ito ay ang agresibong taktika na nakapukaw sa atensiyon ng ibang mga bansa kabilang ang pagharang ng China sa resupply mission ng Pilipinas para sa mga tropa nito na nakasitasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal sa pamamagitan ng pambobomba ng tubig o water cannon sa mga barko ng PH.

Iginiit ng bansa na nakasira sa tiwala, nagdulot ng tensyon at banta sa kapayapaan, istabilidad at seguridad sa rehiyon ang nasabing insidente.

Kayat binigyang diin ng bansa ang pagkakaroon ng isang conducive environment para sa pagprogreso ng negosasyon sa pinagtatalunang karagatan.

Ang ikatlong bahagi ng COC negotiations ay ginanap noong Agosto 22 hanggang kahapon, Agosto 24 sa Maynila habang ang unang dalawang COC ay idinaos sa Jakarta at Vietnam nitong unang bahagi ng 2023.

Ang COC ay nagbibigay ng legal na bisa sa pagpapatigil sa agresibong military posture ng China laban sa economic activity ng ASEAN members sa pinagtatalunang karagatan.