Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng 17 Pilipinong seaferers na dinukot ng Houthi rebels sa Red Sea na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para maiuwi sila sa bansa.
Ayon kay DFA Sec. Enrique Manalo, nakikipagtulungan na ang Pilipinas sa iba’t ibang partners nito sa international community kabilan ang United Nations para malutas na ang isyu sa 17 Pinoy seaferers.
Matatandaan na noong Nobiyembre 2023, dinukot ng rebeldeng Houthis ang 17 Pinoy seaferers matapos na salakayin ng mga ito ang Galaxy Leader cargo ship habang nasa Red Sea bilang pakikisa umano nila sa kanilang kaalyadong Hamas sa Gaza na kasalukuyang nakikipaglabansa pwersa ng Israeli forces.
Nasa kabuuang 25 ang binihag ng Houthi rebels na lulan ng cargo vessel na kinabibilangan ng Ukrainians, Bulgarians at Mexicans. (With reports from Bombo Everly Rico)