-- Advertisements --
susan ople

Nangako ang gobyerno ng Hong Kong na magpapaabot ito ng tulong para sa pamilya ng nasawing overseas Filipino workers sa kanilang bansa matapos mahulog mula sa 18th floor ng isang gusali habang naglilinis ng bintana.

Ito ang inihayag ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople kasunod ng kaniyang pakikipagpulong kay HK Labor and Welfare Secretary Chris Sun.

Kaugnay nito ay ibinahagi rin ni Ople na na kabilang aniya sa kanilang napag-usapan ni Secretary Sun ay ang kahalagahan ng pagpapaalala sa mga employer ng mga foreign domestic worker sa Hong Kong hinggil sa pagbabawal sa standard employment contract sa trabahong window-cleaning na noon pang taong 2017 ipinapatupad.

Batay kasi sa standard employment contract na inaprubahan ng HK government ay pinahihintulutan lamang ang Flipino domestic worker sa paglilinis ng bintana kung ito ay mayroong grills at tanging kamay lamang ng mga ito ang maaaring ilabas sa bintana para maglinis.

-- Advertisement --

Dahil dito ay una nang naglabas ng isang advisory ang DMW na nagpapaalala sa mga employer na sumunod sa mga tuntunin at kundisyon ng contract of employment.

Samantala, kasabay nito ay tiniyak din ni Ople sa mga kamag-anak ng biktima na ang magtutulungan ang pamahalaan ng Pilipinas kasama ang Hong Kong Special Administrative Region ng People’s Republic of China upang maiwasan nang maulit ang mga katulad na insidente.